Tuesday, October 7, 2008

“ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN ” “ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN ” “ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN ” “ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN ” “ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN ” “ PALAGANAPIN ANG KAPAYAPAAN

Tayo ay dapat gumalang sa mga opinyon ng ibang tao upang sa ganitong paraan, maipapalaganap natin ang kapayapaan! Ang kapayapaan ay napakahalaga sa ating lahat lalo na ngayo’y may mga karahasang nangyayari kahit saan. Ang kapayapaan ay matatamo lamang kung ang ating gagawin ay maganda at iiwasan natin ang gumawa ng kasamaan at kung ito ay nagsisimula sa ating sarili. Sa ating mga Pilipino, maipapakita natin ang kapayapaan sa ating mga adhikain sa paraan na paggawa ng mga ito sa mas maayos na proseso at walang karahasan na magaganap. Kapag ginagalang natin ang iba’t-ibat relihiyon tulad ng Hinduismo, Budhismo at Islam, tayo ay nagpapalaganap ng kapayapaan at katahimikan.

Ang pagkamit ng mga antas ng kapayapaan ay maganda rin para sa ating lahat. Ang pagkakaroon ng inspirasyon sa mga taong nagpakita o nagpamalas ng kapayapaan katulad nina Mahatma Gandhi at Mother Teresa ay isa ring halimbawa ng pagpapalaganap ng kapayapaan sa isa’t isa. Maipapakita rin natin ang kapayapaan kung marersolbahan at masosolusyunan ang mga salungatan nating mga Pilipino sa kahit anong antas. Sa ganitong pamamaraan, maipapakita natin ang ating pagka-Pilipino sapagkat hindi lang tayo nagpapakita ng kapayapaan ngunit tayo rin ay nagpapalaki o nagpapalaganap ng kapayapaan sa mga tao sa Pilipinas at sa buong mundo.

Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa edukasyong pangkapayapaan ay napakaganda at napakahalaga sa ating pagmamahal sa ating bansa. Tunay ngang maipapalaganap natin ang kapayapaan kung tayo ay gagawa ng kabutihan at iiwasan ang kasamaan. Kung lahat ng paraan ng pagmamahal at pagmamalaki sa Pilipinas ay gampanan at gawin, maipapakita talaga natin na tayo ay mga totoong Pilipino!

No comments: